Lumaktaw sa pangunahing content

Manga sa Manila International Book Fair 2015

Updated: September 18, 2015

http://www.manilabookfair.com/


Next week na ang 36th Manila International Book Fair (MIBF)! Anu-ano bang manga ang mabibili doon?

Viva PSICOM (Booths 407-416)

https://www.facebook.com/VIVAPSICOMpublishing/photos/a.938814639512789.1073741829.928151677245752/984605894933663/?type=1

Kung hindi pa kayo bumibili ng Filipino editions ng Attack on Titan o Fairy Tail, maganda ang discounts nila sa MIBF. (Bukod sa discount, may freebies, raffle, at cosplayers pa!) May 20% off ang mga manga volumes (ibig sabihin P155 na lang bawat isa, mula sa original price na P195).

Sabi ng Viva PSICOM sa post ko sa Facebook, kung maganda ang reception ng Attack on Titan Philippine edition, madadala nila dito ang mangaka na si Hajime Isaya. Mangyayari lang to kung susuportahan natin ang local manga releases.

Kung ang hilig niyo ay Filipino manga ng PSICOM, discounted din sila (halimbawa, P50 lang ang volume 1 at 2 ng She Died).

Jline Comics (Available sa mga booth ng National Book Store at Precious Pages)


Available ang Jline versions ng Doraemon at Detective Conan sa loob ng National Bookstore at Precious Pages booths. Pwera sa ilang bundled packs, hindi na naka-discount dahil halos wala nang tubo ang publisher (P60-P75 ba kasi naman ang presyo per volume).

Pwede rin kayong magpapicture kay Doraemon, na andun sa Sunday.



Makikita namang ang mga imported manga sa booth ng mga malalaking bookstores.

Fully Booked (Aisle F)

https://www.facebook.com/fullybooked/photos/a.95537656435.99904.88599481435/10152982339196436/?type=1&permPage=1

Dating gawi: 20% off ang mga libro sa booth ng Fully Booked.

National Book Store

https://www.facebook.com/72546266913/photos/gm.1652879321636162/10153125045246914/?type=1&permPage=1
Pinakamalaki na ata ang booth ng National Book Store sa bawat MIBF, kaya di kayo mahihirapang hanapin ito.

Karamihan sa mga tinda sa loob ay may 20% discount. Pag bumili kayo ng Viz manga, may freebie pa!

Nakita ko rin na may binebentang US-version manga sa iba pang booth. Siguraduhing nalibot niyo ang MIBF halls dahil baka may iba pa dyan na ’di ko napansin.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Paano ba Mag-Enjoy Manood ng Dub?

(Dahil Buwan ng Wika ang Agosto, gusto ko pag-usapan ang pagiging available ng anime sa iba't ibang wika: ang anime dub. At ang post na ito ay mababasa sa Filipino at Ingles.)

Para sa katulad ko na nakilala ang anime sa pamamagitan ng mga dub na inere sa TV, hindi mahirap sa akin na manood pa rin ng dubbed anime sa panahong ito ng mga libre at hindi libre na legal stream, bukod pa sa 24-hour TV channel ng English-subbed anime. Pero hindi lang ’yan dahil sa nostalgia o dahil nakasanayan ko na na sumubaybay sa anime araw-araw, ha! (Sa katunayan, nagkaroon din ako ng "SUBS ONLY, DUBS SUX" phase.) Sa pagdaan kasi ng panahon, natutunan kong mag-appreciate ng anime sa anumang wika na kaya ko silang intindihin. At ang mga susunod ay ang mga inaalala ko para magawa ’yon.

How to Enjoy Dubs

(August is National Language Month in the Philippines, so I'd like to talk about enjoying anime in different languages: the anime dub. This post can be read in English and Filipino.)

Coming from the generation who were introduced to anime through dubs aired on TV, it's not hard for me to still enjoy them even in this time of free-and-paid legal streams and a 24-hour TV channel of English-subbed anime. But it's not from the mere childhood nostalgia or habit of tuning in to your TV daily for that new episode (in fact, I underwent a "SUBS ONLY, DUBS SUX" phase too!). Over time, I've come to appreciate anime in as many languages I can understand them in. And to be able to do that, I keep the following in mind.

Hunter x Hunter (2011) Filipino Dub: First Impressions

Panoorin ang Hunter x Hunter (2011) tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:35 - 8:00 n.u., sa GMA.

Hindi ko naabutan ang unang "season" (episodes 1-50) ng Hunter x Hunter (2011) sa GMA, kaya ngayon ko lang mapapanood ang dub. Heto ang first impressions ko.